Football age group tourney dinomina ng Ateneo
March 10, 2001 | 12:00am
Muling dinomina ng Ateneo ang katatapos pa lamang na Rizal Football Association competitions upang makopo ang general championship ng isa sa pinakamahabang age-group soccer events sa bansa.
Naging maningning ang season na ito ng Ateneo booters matapos na ibulsa ang lima sa RIFA divisions nang manguna sa High School (18-and-under) championship.
Nagwagi rin ang Ateneo sa Aspirants (16-under), Midgets A/B (14-under), Midgets C/D First Division at Second Division (12-under) overall trophies.
Umabot sa 17 paaralan ang lumahok sa 11 kategorya ng season na ito ng RIFA soccer competitions na ang elimination phase ay nagsimula noong nakaraang Setyembre.
At bilang pasasalamat ng Ateneo para sa kanilang matagumpay na RIFA season, sinabi ni Cris Monfort, Philippine Football Federation secretary-general at siya ring puno ng Ateneo Football Center na iho-host nila ang football festival sa Marso 18 at 25 sa Ateneo college football grounds.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest