^

PSN Palaro

Elorde, nagpaliwanag sa pagwo-walkout ng PBA Press Photographer

-
Nagbigay ng paliwanag si Gabriel ‘Bebot’ Elorde sa hindi magandang nangyari sa pagitan ng mga photographers at ilang opisyal ng Ynares Center noong Sabado habang nagkokober sa Pacquiao-Senrima bout.

Magugunitang may nangyaring hindi maganda sa mga sports photographers sa laban ni Pacquiao kontra kay Nadel Hussein noong nakaraang taon subalit hindi nakaabot sa kaalaman ni Elorde.

Sinabi pa ni Elorde na kung ipinaalam lang sa kanya ang ganitong insidente, nakipag-usap sana ito sa mga opisyal ng Yñares upang maiwasan na muling maganap ang naturang insidente kung saan sinabi ng mga photographers na umano’y hindi sila binigyan ng magandang trato ng mga tauhan ni Gov. Casimiro Ynares.

Sinabi rin ni Elorde na hindi siya masisisi sa ganitong hindi magandang sitwasyon dahil lahat naman ay ginawa niya para mabigyan ng magandang accomodation ang mga media people.

Maging nang araw na maganap ang insidente, sinikap nilang kausapin ang mga photographers makaraang malaman nilang magwo-walkout ang mga ito.

Nakiusap si Elorde at ilang staff niya na kung sana eh bumalik sila at aayusin ang lahat. Ngunit nagdesisyon na sila sa kanilang walkout.

Maganda naman ang naging relasyon ni Elorde sa mga sportswriters, photographers sapul nang magsimula itong mag-promote ng boxing events at naging kaibigan pa niya ito at ayaw niyang masira ang magandang relasyon niya sa media.

BEBOT

CASIMIRO YNARES

ELORDE

MAGANDA

MAGUGUNITANG

NADEL HUSSEIN

SINABI

YNARES CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with