Junior Classic ngayon na

Ilalarga ng Philippine Tennis Association ang kanilang February edition para sa Juniors Classic ngayon sa pagdaraos ng 38 matches sa Rizal Memorial Tennis Court.

Magsisimula ang hostilidad sa alas-9 ng umaga na may laban para sa boys’ 14-years and under at sa unisex 10 and under.

Magpapakita rin ng aksiyon ngayon ang mga campaigners mula sa boys’ and girls’ 18-years and under, 16 and under at maging sa girls’ 12-years and under.

Ang naturang event ang siyang kauna-unahang junior tournament na hatid ng Philta na may suporta mula sa Philippine Sports Commission ay gaganapin ng dalawang linggo na magtatapos sa Peb. 25.

Show comments