P.5M nakataya sa Pasig River Heritage Marathon

Aabot sa P500,000 ang nakatayang premyo sa Pasig River Heritage Marathon na tatahak sa Old Walls sa A. Soriano St. (dating Aduana St.) sa Intramuros sa Pebrero 25, 2001.

Tatanggap ang kampeon sa male at female divisions ng 42.195-kilometrong karera ng P75,000 at P50,000, ayon sa pagkakasunod.

Ang karera na tatahakin ng mga kalahok na magsisimula sa pagitan ng Manila Cathedral at Fort Santiago ang 11 tulay patungong main roads ng mga pangunahing siyudad sa Manila, Mandaluyong, Makati at Pasig bago tatahak sa finish line sa Fort Taguig.

Tatanggap naman ang kabilang sa top ten ng 42K distance ng mga sumusunod na premyo.

Para sa lalaki, P50,000 sa (2nd), P30,000 (3rd), P15, 000 (4th), P7,500 (5th), at tig-P3,000 naman ang mula 6th hang-gang 10th placers.

At sa babae, P30,000 (2nd), P15,000 (3rd), P8,000 (4th), P5,000 (5th) at tatanggap naman ang 6th hanggang 10th placers ng tig-P500.

Pagkakalooban din ng premyo ang mga mananalo sa 5-kilometer side event.

Show comments