Marquez bokya kay Tierro

SUBIC BAY--Binokya ni PJ Tierro ng Olongapo Tennis Club si Christopher Marquez, 6-0, 6-0 bago naungusan ng teammate na si Nico Riego de Dios, 6-3, 7-6 upng makapasok sa final ng boys’ 16-under division ng 2001 Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop dito sa Subic Bay Yacht Club.

Makakaharap ni Tierro si Allan Agulto ng CLSU sa Muñoz, NE na nagpatalisk kay JR Celestino, 6-1, 0-6, 6-1 para sa titulo ng Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids.

Bumalikwas si Riego de Dios sa pamamagitan ng 6-3, 6-0 pamamayani kontra naman kay La Salle’s Raymond Villarete sa boys’ 14-under bracket.

At sa girls’ 12-under divisions, tinalo ng mahigpit na paboritong si Jessica Agra ng Metro Tennis Camp si Sharlyn Nolasco, 6-2, 6-1 upang maitakda ang kanyang pakikipaglaban kontra Sarah Jane Lim na sumibak naman kay Brenda Noquillo, 6-0, 6-3.

Show comments