Mag-utol na Maneja namayani

SUBIC BAY-- Pinabagsak ni Mark Maneja ng San Beda si Lenjay Paulino, 6-2, 6-1 habang pinayuko ng kanyang batang kapatid na si Charles Maneja si Noel Agra, 6-2, 6-1 upang pangunahan ang mga opening day winners sa unisex 10-under division ng 2001 Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop dito sa Subic Bay Yacht Club.

Sa boys’ 12 under class, naungusan ni Angelo Vianzon ng Dinalupihan si Jello Peñaflor, 5-7, 6-3, 7-6, at hatakin sina Gabar Dacanay ng Olongapo Tennis Club at ang mga paboritong sina Raymond Villarete at Jopy Mamawal, Joshua Tan Ho at local ace Leyan Monsera.

Pinatalsik ni Chynna Alyssa Mamawal, apo ni dating Philta RVP Fraz Mamawal at grade 1 student ng La Consolacion College-Manila si John Maneja, 6-3, 6-3, upang makasulong sa quarterfinals kasama nina Mark at Charles.

Ang Philta-sanctioned Milo netfest na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids ay humatak ng 67 age groupers at 80 boys at girls sa beginners clinic sa Balanga Tennis Club sa Bataan.

Show comments