West Negros, kampeon sa 17th Coke-Go-for Goal National Football

BACOLOD City – Ibinigay ng host West Negros ang lahat ng kanilang lakas sa huling laro upang igupo ang Mindanao Champion La Salle Academy-Iligan, 5-1 upang makopo ang titulo sa 17th Coke Go-for-Goal under-16 national football crown sa Paglaum Sports Complex dito.
Nagtala si Billy Rey Batayola ng tatlong goals sa ika-27th, 63rd at 75th minuto ng labanan upang ihatid ang Wesnecans sa kanilang ikalawang national title sa loob ng 14 taong kampanya sa torneong ito.

Ang mahusay na performance ni Batayola ang nagkaloob sa kanya ng Most Valuable Player Award.

Iginawad nina PFF president Rene Adad at ng iba pang opisyal ang mga individual awards kina Kenneth Hollesa ng WNC bilang best goal keeper at Jessey Diaz ng Sta. Paul School bilang best defender.

Ang Best Midfielder ay si Mark Stephen Biona at ang best striker ay si Kinley Delgado.

Show comments