^

PSN Palaro

Montana nakauna sa Blu sa PBL Challenge Cup

-
Nakalapit ang Montana Pawnshop sa konsolasyong ikatlong puwesto sa pagbubukas ng finals ng 2nd PBL Challenge Cup nang kanilang igupo ang Blu Sun Power, 70-59 sa Makati Coliseum kahapon.

Nakuha ng Jewelers ang 1-0 kalamangan sa best-of-three at isang panalo na lamang ang kanilang kailangan upang makopo ang third place.

Muling makakaharap ng Montana ang Blu bukas para sa Game Two ng kanilang mini series.

Pinangunahan ni Jacques Gottenbos ang Jewelers sa paghakot ng 19 puntos, 6 rebounds at 3 assists kasunod si Gilbert Lao na nagpamalas ng impresibong laro sa pagtatala ng 18 puntos.

Nagtulong sina Gottenbos, Lao at Aries Dimaunahan sa ikatlong quarter upang humakot ng 24 puntos, habang nalimitahan naman ng Montana ang Laundry Experts sa pagtatala lamang ng 9 puntos upang hawakan ng Montana ang 61-50 kalamangan papasok ng final quarter.

Hindi na nakabangon pa ang Blu sa fourth quarter at lalo pang napalaki ng Montana ang kanilang kalamangan sa 13 puntos, 70-57 bago matapos ang labanan.

Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyang naglalaban ang defending champion Welcoat Paints at Shark Energy Drinks sa Game One ng kanilang sariling best-of-seven championship series para sa titulo ng ikalawang kumperensiyang ito.

ARIES DIMAUNAHAN

BLU

BLU SUN POWER

CHALLENGE CUP

GAME ONE

GAME TWO

GILBERT LAO

JACQUES GOTTENBOS

LAUNDRY EXPERTS

MAKATI COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with