La Salle Academy, naniguro sa 17th Coke-Go-for Goal

BACOLOD CITY--Siniguro ng La Salle Academy of Iligan na hindi na mauulit ang nangyaring pagkatalo sa opening day sa mga kamay ng sa host West Negros College at igupo ang P. Guevarra Memorial High of Laguna, 5-2 noong Martes sa pagpapatuloy ng 17th Coke Go-for-Goal under-16 national football finals sa Paglaum Sports Complex dito.

Tabla naman ang kinalabasan ng laban sa pagitan ng National Capital Region champion De La Salle Zobel at Davao’s University of Mindanao sa isa pang laro.

Tangka ng DLSZ squad na maitakas ang kanilang ikaapat na titulo sa tourney na ito na kanilang dinomina noong 1988, 1991 at 1992.

Binasag ng Laguna booters ang katahimikan sa seventh minute nang kumana ng goal si Rizaldy Campomanes sa harapan ng goalmouth na ikinasorpresa ng Iligan goalie.

Ngunit hindi nagpabaya ang Iligan at nanalasa si Altahil Faisal sa pag-iskor ng hattrick sa 19th, 73rd at 86th minute tungo sa kanilang panalo.

Show comments