1st Mindanao Sports Summit nakahandang simulan
January 31, 2001 | 12:00am
Inihayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Carlos Tuason na sa kauna-unahang pagkakataon sa 11 taong kasaysayan ng komisyon, gaganapin ang unang Mindanao Sports Summit sa Pebrero 19-20, 2001 sa Davao City.
Sa temang "Rebuilding Mindanao Through Sports for Peace Program", inaasahang makikibahagi sa naturang summit ang 150 Governors, Mayors ng Highly Urbanized Cities, Sports Council Coordinators, Sports Educators, Media at Sports Leaders ng DECS, DILG, PSC at iba pang sports stakeholders mula sa anim na rehiyon ng Mindanao.
"The Summit is the PSCs response to the long neglect of Mindanao in sports.," ani Tuason.
Malugod na tinanggap ng mga sports leaders mula sa Mindanao ang naturang programa na inihayag ni Commissioner William Ramirez na galing din sa Mindanao, sa kanyang pakikipagpulong sa mga delegation heads ng local government units sa katatapos lamang na 2nd National Youth Games-Batang Pinoy na ginanap sa Sta. Cruz Laguna kung saan isa itong matagumpay na tournamernt kumpara sa unang taon nito.
Ang Mindanao ay binubuo ng Region IX, X, XI, XII, ARMM at CARAGA Region na nagpadala ng maraming atleta sa Batang Pinoy na nilahukan ng 3,500 partisipante.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am