Hapee sibak sa Shark
January 31, 2001 | 12:00am
Naging matatag ang Shark Energy Drink sa huling 28 segundo ng labanan upang ma-sweep ang kanilang semifinal round assignments sa pamamagitan ng 66-63 panalo kontra sa Hapee Toothpaste kahapon sa pagsasara ng semis round ng 2000 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Ito ang ikapitong sunod na panalo ng Power Boosters, ika-13 sa kabu-uang 15-laro na isang magandang paghahanda para sa kanilang best-of-seven championship series kontra sa defending champion na Welcoat Paints na magsisimula bukas.
"Magandang pabaon ito. Lahat binigyan ko ng playing time para maganda ang atmosphere ng team going into the finals," pahayag ni Shark coach Leo Austria.
Nalasap naman ng Teeth Sparklers ang ika-6 pagkatalo sa 15 laro at ito ay nagkaloob sa Montana Jewels ng libreng ticket sa best-of-three mini series kontra sa Blu Sun Power para sa konsolasyong third place.
Naagawan ni Michael Robinson si Mark Saquilayan at umiskor ito ng split shot mula sa foul ni Ryan Dy upang ihatid ang Shark sa 66-60 pangu-nguna, 37.9 segundo na lamang ang oras sa laro.
Ngunit umiskor ng tres si Dy upang ilapit ang Hapee sa 63-66, 28.8 segundo na lamang.
Tuluyan nang nadis-karil ang Hapee nang magkamit ng inbound error si Saquilayan dahil na rin sa mahigpit na pagbabantay ni Robinson kay Dy sa huling anim na segundo ng labanan.
Tumapos si Yap ng 19 puntos upang pamunuan ang Shark.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended