3-golds pa para kay Cometa sa 2nd Batang Pinoy Championships
January 27, 2001 | 12:00am
STA. CRUZ, Laguna -- Kung mayroon mang wonder woman sa athletics event ng 2nd Batang Pinoy National Championships, ito’y walang iba kundi ang bagong sprint queen na si Aiza Cometa ng host Laguna.
Humakot pa ng tatlong gold si Cometa kahapon at siya na ngayon ang mayroong pinakamaraming gintong medalya sa Palaro matapos magsukbit ng limang gold.
Hindi inalintana ni Cometa ang kanyang masamang bagsak sa final lap ng 4 x 400m relay bago makopo ang kanyang ika-limang gold medal para sa Laguna na nangako sa kanya ng P5,000 bawat isang ginto.
Napasubsob ang 12-anyos na si Cometa nang tamaan ito ng nagkulapsong si Anna Mae Cantor ng Camarines Sur ngunit agad naman itong bumangon at ibinuhos nito ang kanyang lakas upang habulin ang mga kalaban at lampasan ang mga ito sa huling lap ng naturang event.
Labis ang katuwaan ng mga kasamahan ni Cometa nang kanyang tawirin ang finish line sa tiyempong 4:26.5 na lumampas sa dating record na 4:39 noong 1999.
Ang kanyang mga kasamahan sa naturang event ay sina Jasmin Chavez na mayroon nang tatlong gold, Mary Ann delos Reyes at Mary Ann Bautista.
Ang unang gold ni Cometa kahapon ay buhat sa 400-m run kung saan nagtala ito ng oras na 1:02.4, halos apat na segundo lamang ang layo sa dating record na 1:06.3 ni Lorry Gen Ladonce ng Negros Occidental.
Tinalo ni Cometa ang mga kasamahang sina Alma Sarmiento (1:04.8) at Ailene Tolentino ng Misamis Oriental (1:04.8) na nagkasya sa silver at bronze medal ayon sa pagkakasunod.
Makalipas ang ilang minuto, nagbalik sa track si Cometa upang pangunahan ang Laguna sa 4 x 400 m gold sa tiyempong 54.6 na bumura sa dating markang 57.3 na itinala ng Camarines Sur.
Pinagkalooban ng Philippine Sports Commission si Cometa ng scholarship grant at inimbitahan ni athletics chief Go Teng Kok na sumanib sa national developmental training pool.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended