Misamis Oriental dapa sa Zamboanga City
January 16, 2001 | 12:00am
CAGAYAN DE ORO CITY-- Maganda ang naging simula ng Zamboanga City Polytechnic State College sa 17th Coke Go-for-Goal all-Mindanao football finals nang maungusan nito ang host Misamis Oriental, 2-1, sa Don Gregorio Pelaez Memorial Sports Complex.
Sinipa ng right-winger na si Ruffy Navarro ang winning goal sa 67th minute matapos na matanggap ang pasa mula kay Al-Faisal Tahil.
Si Tahil ang bumasag ng puntos sa ika-25th minute nang malagpasan niya ang kanyang dalawang defenders at mabilis na sinipa ang bola.
Nagkasiyahan ang mga mga manonood nang sa 30th minute ay naitabla naman ni Jeffrey Sacragon ang iskor.
Apat pang teams ang lumalaban sa serye kung saan ang dalawang pangunahing koponan ang aabante sa national finals na nakatakda sa susunod na buwan sa Bacolod City.
Ito ang Agusan National High, La Salle Academy of Iligan, University of Mindanao (Davao) at Notre Dame of Cotabato.
Ang bakbakan sa pagitan ng La Salle at UM ay nilalaro pa habang sinusulat ang balitang ito.
Ang laban ngayon ay sa pagitan naman ng UM kontra Notre Dame sa alas-2 ng hapon na kaagad susundan ng bakbakan ng Zamboanga Polytechnic State College at Agusan sa dakong alas-3:30 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended