Miller, pasok na sa Batang Red Bull
January 15, 2001 | 12:00am
Walang pagsidlan ng kaligayahan si Willie Miller nang sambitin ang kanyang pangalan ng Batang Red Bull bilang top pick sa taunang PBA Draft na ginanap sa Glorietta Park, Makati City.
Bagamat inaasahan na si Miller ang magiging top pick, nagkaroon ng konting pagdududa nang magpakita ng magandang kredensiyal ang Fil-Am na si John Arigo na sinasabing magaling at mataas na point guard na maaaring pumuno sa puwesto ni Jimwell Torion na nakatakdang magpa-opera ng kanyang dislocated shoulder.
"Arigo has potentials pero mas gusto ko yung may experience. Kailangan ko yung magagamit kaagad dahil kulang ako sa point guard," paliwanag ni Red Bull head coach Yeng Guiao sa kanyang pagkuha kay Miller.
Nasorpresa din ang mg manonood nang ihayag ni Guiao ang kanilang pinili, ngunit higit na nabigla ang lahat nang isa pang Fil-Am na di gaanong nabigyan ng atensiyon ng media ang kinu-ha ni Barangay Ginebra coach Allan Caidic.
Makaraang kunin ng Shell Velocity ang tila itinatagong Fil-Am player na si Michael Hrabak bilang second pick, na bagamat dumating na mula sa Amerika ay hindi naman sumipot, pinili ng Ginebra si Mark Caguioa, na kararating lamang mula sa US kahapon ng alas-6:00 ng umaga.
Si Caguioa ay wala gaanong impresibong kredensiyal sa mga papel pero may nagrekomenda dito na isang mahusay na guard. Minamanmanan din umano ng Mobiline si Caguiao na pang-apat sa pipili na kanilang nakuha mula sa Tanduay na galing naman sa Pop Cola.
Kaya nakuntento na lamang ang Phone Pals kay Gilbert Demape bilang 4th pick makaraang kunin ng Gins si Caguioa.
At ang inaasahang top pick na si Arigo ay nauwi sa kamay ng Alaska bilang 5th pick.
Isang manlalaro sa katauhan ni Francis Adriano na mula sa MBA ang pinili ng Sta. Lucia bilang 6th pick.
Muling pumili bilang ikapito ang Mobiline na kanilang nakuha mula sa isang trade sa Tanduay, ang MBA cager na si Norman Gonzales habang pinili naman ng Sta. Lucia ang taga-UST at Ana Freezer cager na si Marvin Ortiguerra. Pinili naman ng Purefoods ang mahusay na guard ng Shark Energy Drink na si Roger Yap bilang pag-hahanda na rin sakaling matuloy ang kagustuhan ni Dindo Pumaren na lu-mipat sa Tanduay upang makasama ang kanyang kapatid na si coach Derick Pumaren. Ika-10th pick para sa first round ay nagmula naman sa San Miguel kung saan kinuha nila ang magaling na point guard at shooter ng MBA na si Joey Mente.
Bilang paghahanda sa tila malabong pagbabalik aksiyon ni Eric Menk sa Tanduay, kumuha ng malalaking tao ang Rhummasters nang kanilang simulan ito sa second round kung saan kinuha nila si Ricky Calimag at Fil-Am Charles de Jesus. Pinili din nila si Allan Salangsang sa 3rd round at Dominic Uy, Maoi Roca at Jay Magat sa 4th round pawang mga malalaking manla-laro.
Mula sa 57 aplikante 48 ang napili ngunit hindi lahat ng mga napili ay mabibigyan ng kontrata.
Maaaring magkaroon ng pagbabago dahil binibigyan ang lahat ng team ng limang araw para makapag-isip at magpapirma ng kontra sa kanilang mga na-draft at kapag walang kontratang ilalatag ang mga ito ay awtomatikong magiging free agents at libreng makipagnegosasyon sa ibang team.
Wala namang nakaligtas sa limang Fil-Am na pawang napili. Si Kenny Evans sa Alaska, Jeremy Aniciete sa San Miguel, David Matthew Friedhof sa Tanduay .

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am