^

PSN Palaro

P42-M kontrata ni Duremdes sa Alaska nakabitin

-
Hindi pa nakakasiguro ang Alaska Aces na kanilang makakasama si Kenneth Duremdes sa nalalapit na pagbubukas ng Philippine Basketball Association (PBA) 2001 season.

Ito’y dahil hindi pa tiyak kung mapapapirma nila ng panibagong kontrata ang 1998 Most Valuable Player.

Dumating na kamakalawa ng gabi si Duremdes buhat sa pagbabakasyon sa United States ngunit hindi ito nag-abalang makipagkita sa kanyang mother team para pumirma ng kanyang kontrata.

Matagal nang nakabinbin ang P42 milyong kontrata ni Duremdes na tatagal ng pitong taon.

At maaaring hindi na ito papakinabangan dahil tila mas interesado si Duremdes na maglaro sa ibang koponan.

Ayon sa isang impormante, nakipagkita kahapon si Duremdes kay Manny Pangilinan, ang team owner ng Mobiline Phone Pals na nauna nang nagpakita ng interes sa tinaguriang ‘Captain Marbel’.

Idinagdag ng source na sa naturang meeting, nakatakdang hainan ng Phone Pals si Duremdes ng panibagong offer sheet na mahirap nitong tanggihan.

May nauna nang offer sheet ang Mobiline kay Duremdes ngunit hindi na ito nakarating pa kay Duremdes.

Bagamat nakita na ito ni Alaska Team manager Joaqui Trillo, sinabi nito na handa itong tapatan ng Alaska.

Sinabi pa ni Trillo na kahit anong mangyari ay hindi nila pakakawalan si Duremdes matapos isa-isang mawala sa kanilang poder ang mga star players na sina Jojo Lastimosa kasunod sina Johnny Abarrientos at Poch Juinio na ngayon ay nasa Pop Cola na.

Dahil dito, malaki ang posibilidad na i-match din ng Aces ang panibagong offer sheet ng Phone Pals.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin napapapirma ng Alaska si Bong Hawkins. (Ulat ni Carmela Ochoa)

vuukle comment

ALASKA ACES

ALASKA TEAM

BONG HAWKINS

CAPTAIN MARBEL

CARMELA OCHOA

DUREMDES

JOAQUI TRILLO

JOHNNY ABARRIENTOS

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with