De Guzman, Villarete umusad sa 12th Andrada Cup age-group finals
January 14, 2001 | 12:00am
Umiskor ng magkaibang panalo sina Irwin de Guzman at Raymund Villarete ng La Salle-Greenhills upang maka-usad sa finals ng kanilang divisions sa 12th Andrada Cup age-group championships sa Rizal Memorial Tennis Center.
Pinatalsik ni 3rd ranked De Guzman ang top seed na si Patrick John Tierro, 6-4, 7-5 upang isaayos ang title showdown kontra kay Yannick Guba sa boys 16-under class.
Ang second seed na si Guba naman ay nagmartsa sa finals matapos ang 6-1, 6-0 tagumpay laban kay 4th seed Allan Agulto.
Si Villarete ay namayani naman kay Juan Felipe Mayor, 6-2, 6-3 upang umabante sa boys 12 under finals kontra naman kay No. 2 Pablo Olivarez II na nanaig naman kay Leyan Moncera, 7-5, 6-4.
Sa boys 18 under division, nanaig si top seed Joseph Victorino kay no. 4 Carlo Manalastas, 6-1, 6-2 upang isaayos ang title duel kontra kay no. 2 Johan Guba na nanalo kay no. 3 John Rey Moreno, 6-4, 6-3.
Sa kababaihan naman, binugbog ni no. 1 Czarina Mae Arevalo si Tracy Bautista, 6-0, 6-0 upang umabante sa 16-under finals laban naman kay no. 2 Berry Sepulveda na tinalo si Ivy Castro, 6-1, 6-0.
Gayunpaman lumusot naman sa finals ng 14-under si De Castro makaraang pabagsakin si Ana Buenviaje, 6-0, 6-1 para makaharap naman si no. 1 Bien Zoleta na namayani kay Melissa Orteza, 6-3, 6-1.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended