^

PSN Palaro

MLQU-Boysen, kampeon sa PYBL

-
Nagtala ng kasaysayan ang Manuel Luis Quezon University-Boysen Paints nang tanghalin ito bilang kauna-unahang kampeon ng unang edisyon ng Philippine Youth Basketball League.

Iginupo ng MLQU-Boysen ang Skyland Estate Homes, 68-63 sa kanilang finals encounter kahapon sa Makati Coliseum.

Naging matatag sa huling bahagi ng laro ang MLQU-Boysen kung saan naging mahigpit ang labanan upang makopo ang kauna-unahang tropeo sa torneong ito.

"Very very confident ako na mananalo kami dahil sabi ko sa mga player ko ay we have the experience and we have been into this situation before," pahayag ni coach Rex Manansala.

Isang 7-0 atake ang pinakawalan ng MLQU-Boysen sa huling limang minuto ng labanan upang lumayo sa 65-57 na kanilang naging tuntungan sa tagumpay.

"Very very prestigious ang titulo na ito dahil sa PBL caliber ang liga at memorable talaga ito dahil kami ang naging kauna-unahang kampeon," dagdag pa ni Manansala.

Umiskor ng 19 puntos si Edelito Saygo upang pangunahan ang MLQU habang nagdagdag naman ng 15 at 12 puntos sina Rivera at Mallari, ayon sa pagkakasunod.

BOYSEN

EDELITO SAYGO

IGINUPO

ISANG

MAKATI COLISEUM

MALLARI

MANUEL LUIS QUEZON UNIVERSITY-BOYSEN PAINTS

PHILIPPINE YOUTH BASKETBALL LEAGUE

REX MANANSALA

SKYLAND ESTATE HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with