Ang laban ay nakatakda sa ganap na alas-4:00 ng hapon.
Ang Jewelers, kasalukuyang hawak ang 6-4 karta ay umaasang mauulit ang kanilang 65-58 tagumpay laban sa Pioneer Insurance noong Disyembre 16 at nagpahayag ng malaking pag-asa si coach Leo Isaac na makakatuntong sila sa finals.
Ngunit hindi basta-basta bibitiw ang Ateneo-Pioneer na umaasa ding makakapasok sa finals sa pamamagitan ng 4-of-5 incentives kung saan kailangang maipanalo ng mga bataan ni coach Joe Lipa ang apat sa limang semifinals na laban para hamunin ang ikalawang best team sa huling finals seat.
Sa unang laban, inaasam ng Skyland Estate at Boysen-MLQU ang kauna-unahang titulo sa Philippine Youth Basketball League sa kanilang kapana-panabik na sudden-death finals.
Maghaharap naman ang Mercury Freight-St. Benilde at Letran-Dazz para sa ikatlong posisyon sa alas-12 ng tanghali. Muling nahalal na chairman ng PBL si DSS Productmakers Inc. Dioceldo Sy at Raymund Yu ng Welcoat bilang vice-chairman sa taunang botohan ng PBL board na ginanap sa PBL Office sa Makati Coliseum.
Nanatili din sa kanilang puwesto sina treasurer Dennis de Guzman ng Welcoat, Rudy Mendoza ng Ana Freezers at Jesse Chua ng Shark Energy Drink, habang si Atty. Noli Eala pa rin ang corporate secretary.
Si Sy at ang mga opisyal ay walang kalaban sa naturang election sa PBL board dahil ang Diceldo Sy-Chino Trinidad tandem ay umaasam ng higit na kakatagan ng PBL ngayong taon.