Shark kontra Blue
January 11, 2001 | 12:00am
Tatangkain ng Shark Energy Drink na maipreserba ang kanilang solo liderato sa kanilang pakikipagtunggali sa kanilang sister company na Blu Detergent ngayon sa semifinals ng 2000 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Ang game time ay sa ganap na alas-5:00 ng hapon.
Lalabas na underdog ang Shark sa kanilang laro ngayon dahil nanaig ang Blu Sun Power sa kanilang natatanging laban noong eliminations, 61-57 noong Disyembre 7.
"Talagang laban ang game na ito. I told the boys we cannot afford to lose if we want to get the first finals berth. Weve remedied our lapses and hopefully, maging effective ang execution ng plays namin," ani Shark coach Leo Austria.
Muling sasandal ito sa intensidad ni Roger Yap Jr. at ang twin towers na sina Rysal Castro at Irvin Soto. Ngunit higit na sorpresa ay ang pagbabalik ni Warren Ybañez.
Si Ybañez ay protege ni Nat Canson sa paghubog ng isang epektibong pointguard ng Blu na kanyang pinaglaruan dati.
Ngunit gayunpaman, kailangan din ng Detergent Kings ang panalo para makapasok sa finals.
Samantala sa unang laro sa ganap na alas-3:30 ng hapon magtatagpo naman ang Boysen-MLQU at Dazz-Let-ran para sa huling finals slot ng Philippine Youth Basketball League.
Ang mananalo sa larong ito ay makikipag-harap sa Skyland Estate-Guagua National Colleges sa sudden-death match para sa korona ng PYBL sa Sabado.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest