^

PSN Palaro

Walang mass resignation sa Office of the PBA Commissioner

-
Nakatakdang magpulong-pulong ngayon ang mga opisyal ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa pagdaraos ng kanilang Annual Board Meeting sa Manila Golf Club.

Isasagawa ang paghahalal ng mga bagong opisyal ng liga sa pagpupulong na sisimulan sa ganap na alas-5:00 ng hapon.

Mababatid din sa naturang meeting ang kapalaran ni Commissioner Jun Bernardino kung ito ay pagkakalooban pa ng isang term o magkakaroon na ito ng bagong kapalit.

Ayon kay Bernardino na panauhin kahapon sa lingguhang PSA Forum na ginaganap sa Holiday Inn Manila Pavilion, handa niyang tanggapin ang anu-mang mapapagkasunduan ng PBA Board of Governors.

Ipopormalisa ngayon ang pagtatalaga kay Ignatius Yenko ng Mobiline bilang Chairman of the Board ayon sa napagkasunduan na rotation ng mga opisyal.

Papalitan ni Yenko ang two-time chairman na si Wilfred Uytengsu ng Alaska Aces.

Itinanggi rin ni Bernardino ang mga balitang nagkaroon ng mass resignation ang Commissioners Office.

"I would like to announce here that there has been no mass resignation in the Commissioner’s office. No one has resigned," ani Bernardino. I and my staff serve at the pleasure of the board. We are in a hold-over capacity."

Gayunpaman ayon kay Bernardino, maaaring magbigay ng letter of resignation ang kanyang mga kasamahan sa opisina kung siya ay papalitan sa puwesto.

"In the event that I may not be re-appointed, then perhaps, it would only be proper for the personnel in the Commissioner’s office to submit their courtesy resignations," ani Bermardino.

Ihahalal din sa meeting ang bagong Vice-President, Secretary at treasurer. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ALASKA ACES

ANNUAL BOARD MEETING

BERNARDINO

BOARD OF GOVERNORS

CARMELA OCHOA

CHAIRMAN OF THE BOARD

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

COMMISSIONERS OFFICE

HOLIDAY INN MANILA PAVILION

IGNATIUS YENKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with