Makulimlim ang Year 2000 para sa Philippine Sports
January 1, 2001 | 12:00am
Taliwas sa inaasahan ng lahat, tila kamalasan ang dulot ng buong taong 2000 sa Philippine Sports.
Bukod sa problemang pampinansiyal dulot ng political crisis sa bansa, hindi rin nagkasundo ang pamunuan ng Philippine Sports Commission at ng ilang opisyales ng National Sports Association (NSAs) nahatihati ang liderato nito kung saan kinailangang magbitiw ni commissioner Trisha Abundo at Monico Puentevella sa kanilang posisyon.
At isa sa pinakamatinding dagok na natikman ng RP sports ay ang pagkabokya nila sa Olympiada.
Sa hindi inaasahang pangyayari, tumulak ang pambansang delegasyon na punompuno ng pag-asa na mahihigitan ang naitalang tagumpay ni Mansueto "Onyok" Velasco na nakasikwat ng silver medal sa nakaraang Atlanta Olympics.
Pero isang bangungot sa RP pugs ang sinapit ng kanilang kampanya ng isa man sa apat na boksingerong ipinadala ng bansa sa Sydney Olympics ay hindi man lamang pinalad na makapasok sa quarterfinals.
Maging ang taekwondo jins na inaasahang mapagkukunan rin ng bansa ng medalya ay nabokya rin at taliwas sa kanilang naging performance sa 1992 Barcelona Olympics kung saan ang taekwondo ay isang demo sports pa lamang.
At dahil sa pangyayaring ito, hiniling nina Senators Vicente Sotto III at Robert Jaworski na magbitiw sa kanilag tungkulin sina POC president Celso Dayrit at PSC chairman Carlos Tuason.
Mabuti na lamang at mayroong isang Dorothy Joy Delasin at Malcolm Tuñacao na siyang nagbalik ng respetong nawala sa RP sports.
Isinalba ni Delasin sa kahihiyan ang Pilipinas nang kanyang pagreynahan ang Giant Eagle Ladies Professional Golf Association (LPGA) Classic sa Warren, Ohio.
Si Delasin ang nahirang na pinakabatang LPGA Tour champion sa edad 19 matapos si Amy Alcott noong 1975. Tinalo ng Texas-born na si Delasin si Pat Hurts nang pumalo siya ng 3-foot putt matapos na mapuwersa ang playoff sa kanilang ikalawang sunod na five-under-par 67 sa final round.
At ang tagumpay na ito ang siyang nagkaloob sa kanya ng Rookie of the Year.
Nagawa namang muling ibalik ni Tuñacao ang nawalang respeto ng mga Pinoy pugs nang kanyang agawin ang World Boxing Council (WBC) flyweight crown sa walang talong si Medgeon 3-K Battery sa pamamagitan ng technical knockout.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended