^

PSN Palaro

Alpuerto silat kay Liao

-
Umusad sa susunod na round si Jojo Liao ng Lagao, Albay matapos na iposte ang 7-6, 7-5 panalo kontra top seed Jasper Alpuerto sa boys’ 12-under division ng Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop sa Rizal Memorial Tennis Center kahapon.

Ang panalong ito ang nagsaayos ng pakikipagharap ni Liao para sa korona kontra No. 2 Kyle Dandan na nagtagumpay naman sa kalabang si Pablo Olivarez II, 4-6, 6-3, 6-2.

Ang iba pang finalists ay magtatampok kina Cebuano Oswaldo Dumoran na nagtala ng 7-6, 6-4 panalo kontra Nico Riego de Dios upang sagupain naman si Nestor Celestino Jr., na nagtala ng malaking upset kontra second pick Jandrick de Castro, 6-3, 6-7, 6-3 sa boys’ 14-under class.

Naungusan naman ni Christian Cuarto ng San Beda si Irwin de Guzman, 6-3, 5-7, 6-3 upang makarating sa championship match ng boys’ 16-under class kontra Gino Bautista ng Ateneo na nakaligtas sa kalabang si Junjie Guadayo, 5-7, 7-6, 6-4.

Sa junior women’s 21-under division, makikipagpalitan naman ng paluan si Vida Alpuerto sa kanyang pinsan na si Ziarla Battad para sa korona ng Milo netfest na ito na inorganisa ng Children’s Tennis Workshop at suportado ng Adidas at Sports Kids.

CEBUANO OSWALDO DUMORAN

CHRISTIAN CUARTO

GINO BAUTISTA

JASPER ALPUERTO

JOJO LIAO

JUNJIE GUADAYO

KYLE DANDAN

MILO JUNIOR TENNIS CUP AND REGIONAL WORKSHOP

NESTOR CELESTINO JR.

NICO RIEGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with