Ikaapat na dikit na panalo ang target ng Detergent Kings upang mapalawig ang kanilang winning streak sa pang-alas 3:30 ng hapong sultada upang makisosyo sa pagitan ng Shark, Montana Pawnshop at sa defending champion Wel-coat Paints sa six-team carry-over semis round.
Umaasa si coach Nat Canson na masusustinahan nila ang kanilang winning form matapos na itala ang 61-57 upset kontra sa sister team na Shark Energy Drinks noong nakaraang Dis-yembre 9, bago muling tinalo ang Osaka, 72-64 at bago magbakasyon ginapi rin nila ang Hapee, 68-58.
"I just hope the long break would not have any adverse effect on the team. Maganda naman ang pinapakita nila in the past two practices and I just hope the winning momentum continues," pahayag ni Canson na muling sasandigan ang mga balikat nina Marlon Legaspi na nangunguna sa karera ng MVP, Francis Sanz, Eric dela Cuesta, Arnold Calo at Egay Billones.
Ngunit siguradong matinding hamon ang kakaharapin ng tropa ni Canson, dahil kailangan rin ng Freezer Kings na nagtataglay ng 4-5 karta na maipanalo ang kanilang laro ngayon upang manatiling buhay ang kanilang tsansa na makapasok pa sa susunod na round.
Inaasahan na panibagong taktika ang ilalatag ng Freezer Kings upang maduplika ang kanilang 54-53 pamamayani sa Detergent Kings noong Nov. 25.
"Expected kong magiging physical ang laro gaya nung first meeting namin. Kinausap ko nga sila, this is our last hope to stay in contention for the semifinals kaya dapat ibigay namin ang lahat sa labang ito," wika naman ng guro ng Ana Freezers na si Dante Gonzalgo.
Sa unang laro, sisikapin ng Ateneo-Pioneer na mahatak ang kanilang panalo upang madugtungan ang kanilang pisi sa susunod na round sa nakatakda nilang engku-wentro ng sibak ng Pharma Quick sa alas-5:30 ng gabi.