^

PSN Palaro

2 titulo ibinulsa ni Arevalo

-
Napasakamay ng top seed na si Czarina Mae Arevalo ang korona sa girls’ 18-under at 16-under division kahapon sa pagsasara ng third Armando Manzano Cup sa Rizal Memorial Tennis Center.

Tinalo ni Arevalo ang second seed na si Deena Rose Cruz, 6-1, 6-3 sa 18-under class, bago isinunod na biktima ang third seed na si Charise Godoy nang kanya itong igupo, 6-1, 6-1 sa 16-under division.

Nakisalo naman sa kara-ngalan ang Palarong Pambansa doubles gold medalist na sina Johan at Yannick Guba nang manalo sa kani-kanilang division.

Umiskor si Johan ng 7-6 (4), 6-4 panalo kontra sa fourth seed na si Ghandi Matunog upang ibulsa ang korona sa boys’18-under category, habang sinungkit naman ni Yannick ang korona sa boys’ 16-under plum sa iskor na 6-3, 2-6, 6-2 kontra sa top seed na si Christian Cuarto ng San Beda.

At sa 14-under class, sinibak ng No. 1 Oswaldo Dumoran ang fourth pick na si Nestor Celestino Jr., 6-3, 7-5 at nau-ngusan naman ng second seed na si Edelyn Balanga ang second seed Berry Sepulveda, 6-4, 2-6, 6-4 para sa korona ng boys’ and girls’ division, ayon sa pagkakasunod sa event na ito na suportado ng Viva Mineral Water.

Sa iba pang resulta, pinabagsak ni No. 1 Bien Zoleta si 3rd seed Melissa Orteza, 6-1, 6-1, sa girls’ 12 under final habang ang third pick na si Gerard Bergavera ay namayani naman sa unisex 10-under title nang pabagsakin nito ang No. 1 na si Felipe Mayor, 6-3, 6-3.

ARMANDO MANZANO CUP

BERRY SEPULVEDA

BIEN ZOLETA

CHARISE GODOY

CHRISTIAN CUARTO

CZARINA MAE AREVALO

DEENA ROSE CRUZ

EDELYN BALANGA

FELIPE MAYOR

SEED

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with