Severino palapit na sa korona

BAGAC, Bataan--Nagpamalas ng agresi-bong performance si Sander Severino sa kalagitnaan ng laro upang igupo si John Paul Gomez sa penul-timate round ng Asian Continental Under-16 Chess Championships sa Napocor Training dito noong Martes ng hapon.

Itinakas ni Severino, nakalikom na ng kabuuang 7 puntos ang kanyang panalo sa pamamagitan ng solidong laro kontra sa kasalukuyang National Junior titlist na si Gomez makaraan ang 63 sulungan ng English Opening.

Matapos ang ilang serye ng palitan ng sulong sa kalagitnaan ng laro, kapwa natirhan na lamang ang dalawang malalaro ng tig-dalawang kabayo, naglunsad si Gomez ng counter-attack, ngunit nasukol ang kanyang mahinang pawns sa a at e files.

Bunga ng panalong ito ng 15-anyos mula sa Silay City, bahagya siyang nakalapit patungo sa pagsungkit ng korona kung saan ang kanyang mahigpit na karibal na si Tranh Anh Tri ay may layo na sa kanya ng isang puntos.

Makakalaban ni Severino sa final round si Julio Catalino Sadorra na yumukod naman kay Luke Leong sa 30 sulungan ng Closed Sicilian.

Show comments