Salvador, kampeon sa GSC Chessfest

Dinaig ng teen sensation na si Roland Salvador ang mga beterano nang pangunahan nito ang ikatlong edisyon ng GSC Christmas Chess Bonanza sa PCIBank Arcade sa GSC Complex sa San Juan.

Ang 17 anyos na tubong Bulacan na si Salvador na kamakailan lamang ay nanalo sa Shell Active Chess ay nanaig kay Marlon Ricafort sa final round at tumapos nang may 6.5 puntos na naging sapat para maibulsa ang cash prize na P4,000 at P1,000 halaga ng grocery items at tropeo.

Show comments