^

PSN Palaro

Batang Red Bull 3rd placer sa PBA Governors' Cup

-
Gumawa ng magandang pagtatapos ang expansion team na Batang Red Bull sa kanilang unang taon sa liga nang kanilang angkinin ang konsolasyong ikatlong posisyon sa season-ending PBA Governors’ Cup.

Matapos mabigong makarating sa finals, pinagbuntunan ng galit ng Red Bull Thunder ang Mobiline Phone Pals sa kanilang knockout game kagabi nang kanilang iposte ang 98-89 panalo sa Araneta Coliseum.

"This third place means a lot to us," pahayag ni coach Yeng Guiao na masayang-masaya sa narating ng kanyang koponan sa kanilang debut year.

Ayon kay Guiao, nakikinikinita nito ang magandang hinaharap ng koponan dahil bukod sa kanilang naging karanasan sa season na ito ay maaasahan na rin ng Red Bull ang serbisyo ng kanilang number one player na si Kerby Raymundo na maaari nang maglaro sa susunod na taon, makaraang masus-pinde ito ng isang taon.

Para kay Guiao, ang unang taon ng Thunder ay isang ‘learning process’ lamang kaya naman para sa naturang coach ang kanilang panalo ay isang malaking achievement.

Eskplosibong binuksan ng Red Bull ang labanan nang kanilang kunin ang 28-10 kalamangan sa pagsasara ng unang canto sa pangunguna nina import Ray Tutt, Mike Pennisi at Ato Agustin.

Naitala ng Thunder ang pinakamalaking kalamangan na 20 puntos, 60-40 sa third quarter ngunit sinikap itong tibagin ng Mobiline na nakalapit sa 73-75 sa ikaapat na quarter. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ARANETA COLISEUM

ATO AGUSTIN

BATANG RED BULL

CARMELA OCHOA

GUIAO

KANILANG

KERBY RAYMUNDO

MIKE PENNISI

MOBILINE PHONE PALS

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with