Tinawid ng 28-anyos na si Mama ng University of Baguio at ngayon ay kasapi na ng Philippine Navy ang finish line sa tiyempong 29:59 segundo.
" Mas maganda ang ruta ngayon, medyo bawas ang akyatan. Nakasabay lang sila hanggang sa halfway tapos naiwan ko na," pahayag ni Mama na pumangalawa lamang kay Roy Vence sa 42K finals na ginanap sa Angeles City noong nakaraang taon.
Pumangalawa naman sina Erminio Subang na may oras na 30:19 at tumersera naman ang defending champion na si Castro Cudli na nagposte ng tiyempong 30:27.
Ang tatlong nanalo ay makakasama ng mga iba pang qualifiers sa 42K finals na nakatakda sa Manila sa Disyembre.
Sa womens division, naging magaang naman ang tagumpay ng defending champion mula sa St. Louis University na si Flordeliza Cachero nang kunin nito ang kalamangan sa unang 500 metro at hindi na lumingon pa upang mag-isang angkinin ang finish line sa tiyempong 40:10.
Inamin ng 10th placer sa nakaraang taong finals na siya ay nahihirapan sa Manila dahil sa mainit na klima.
"Pero pipilitin ko rin makatakbo ng maayos," wika ng 19-anyos na kumita ng P5,000.
Pumangalawa ang 18-anyos na si Julie Watchorna na nagsumite ng oras na 43:08 sumunod si Ana Liza Leynes na nagtala ng 43:33. Ang dalawa ay nagbulsa ng P3,000 at P2,000, ayon sa pagka-kasunod.