Buwanang chessfest sisimulan

Magdaraos ang Bagumbuhay Chess Club sa kooperasyon ng Gotesco Mall ng Barangay Bagumbuhay Individual ng buwanang chess tournament sa darating na Nov. 26, simula sa alas-9 ng umaga sa 2nd level administration lobby ng Ever Gotesco Commonwealth sa Quezon City.

Ang naturang isang araw na tournament at active chess format ay hatid ng Prime Albatana na may suporta mula sa Chowking kung saan ang top 5 players ay tatanggap ng cash prize at ang kampeon ay magbubulsa ng P33,500 at tropeo. Ito ay bukas para sa lahat ng non-master chess player na may rating na 2050 pababa.

Show comments