^

PSN Palaro

Crystal Spring bagsak sa Gringo-Barkadahan sa PYBL

-
Nagpamalas ang Gringo-Barkadahan ng intensibong depensa sa huling maiinit na bahagi ng labanan upang igupo ang Las Piñas College-Crystal Spring kahapon sa 1st Philippine Youth Basketball League sa Makati Coliseum.

Pinangunahan nina Carlo Altamirano at Oscar Monte-mayor ang Barkadahan sa kanilang unang panalo sa paghakot ng tig-16 puntos na inspirado sa ipinakitang suporta ni Sen. Gringo Honasan na dahilan upang mapuwersa ang kanilang kalaban na gumawa ng turnovers sa final quarter upang maningning na simulan ang kanilang kampanya.

Nagsalpak si Montemayor ng anim na sunod na basket sa 15-9 run katulong si Niño Songco upang hatakin ang 66-59 kalamangan, patungong 2:14 ng oras.

Nagawang ibaba ni John Paul Alcaraz ang abante ng Barkadahan sa 66-69 nang umiskor ito ng tres may 45.6 segundo na lamang ang nalalabi.

BARKADAHAN

CARLO ALTAMIRANO

COLLEGE-CRYSTAL SPRING

GRINGO HONASAN

GRINGO-BARKADAHAN

JOHN PAUL ALCARAZ

LAS PI

MAKATI COLISEUM

OSCAR MONTE

PHILIPPINE YOUTH BASKETBALL LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with