NCR qualifying tournament nagsimula na
November 11, 2000 | 12:00am
Maningning na sinimulan nina top seed Roderick Nava at second seed Froillan Bonico ang kani-kanilang kampanya nang kapwa magtala ng impresibong panalo kasama ang 12 iba pang manlalaro sa ikalawang rounds ng NCR qualifying tournament na ginanap noong Linggo sa 2/F ng PCI Bank Arcade sa Greenhills Shopping Center.
Nangailangan lamang si Nava ng 44 moves ng King’s Indian upang igupo si Karl Victor Ochoa, habang magaang namang tinalo ni Bolico si Stewart Manaog Jr. sa 22-sulungan ng Reti Opening.
Ang panalo ay nagkaloob sa kanila ng perpektong 2 puntos matapos ang ikalawang round at manatiling nasa kontensiyon kasama ang iba pang seeded players, sina 3rd seed Carl Espallardo, No. 5 Julius Joseph de Ramos, No. 6 Von Arbie Barbosa, Cromwell Sabado, Dino Ballecer, Jake Banawa, Ivan Gil Blag, Vic Neil Villanueva, Eugene Pimentel, Romnick Malabiga, Nelson Mariano III at Jordan dela Serna.
Sa distaff side, itinala naman nina Sherilly Cua, Ana Paula Castillo, Kimberly Jane Cunanan at Samayra Martinez ang kani-kanilang ikalawang panalo upang pamunuan ang listahan ng mga kababaihan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended