Binigyan ng 17-anyos na si Parrenas mula sa Cadiz City ng kumbinas-yon sa second at third round ang kanyang kalban na si Kadri Kordel ng Turkey upang itala ang 8-5 panalo.
"Inunahan ko na! Magaling rin pero siguro, mas determinado lang akong manalo," wika ni Parrenas.
Ang panalo ni Parrenas ay nagsalba sa kabiguan ni lightweight Florencio Ferrer sa isang mahigpitang laban kontra Dimitrius Adamopoulus ng Greece, 1-5.
Nakipagsabayan ng ngipin-sa-ngipin ang 17-anyos na si Ferrer mula sa Bago City sa kalabang si Adamopoulus kung saan ang Greek ay nabigyan ng standing eight count sa fourth at final round, ngunit nabigo itong bigyan ng puntos ng lahat ng mga European judges.
"Hindi ko maintindihan. Tumatama naman ako pero wala pa ring score," himutok ni Ferrer matapos ang kanyang laban.
Sinamantala naman ng local boy na si Zsolt Zupka ang walang karanasang si light middleweight Maximino Tabangcora nang kanyang bugbugin ang Filipinos sa 20-2.
Nakatakda naman magpakita ng aksiyon ang iba pang nalalabing Pinoy pug na ipinadala rito ng Philippine Sports Commission, Amateur Boxing Association of the Philippines, Adidas at Pacific Heights sa Martes at Miyerkules.
Haharapin ni flyweight Vincent Palicte ng Bago City ang Latvias na si Anton Berjczons sa Martes, habang sasagupain naman ni feather Junard Ladon na nakakuha ng first round bye si Som Bahadur Pun ng India sa Miyerkules.
Makakalaban naman ni Parrenas si Berik Serikbajev ng Kazakhstan na nanalo kontra USAs Cesar Lopez sa Miyerkules.