^

PSN Palaro

Fernandez pinayuko ni Antonio sa Chess Olympiad

-
ISTANBUL, Turkey--Bumawi si Grand Master Joey Antonio sa kanyang huling kabiguan at pamunuan ang Philippines tungo sa kanilang 2.5-1.5 pamamayani kontra sa Portugal nang kanyang talunin si IM Antonio Fer-nandez sa fifth round ng Istanbul Chess Olympiad dito.

Hawak ang mga puting piyesa, gumamit si Antonio ng ilang serye ng atake upang bumuka ang kanyang kalaban sa 32 moves ng Sicilian Defense. Mabilis na inilatag ni Antonio ang kanyang mating net sa kabila ng presensiya ng piyesa ni Fernandez.

Nakipaghatian naman ng puntos si GM Bong Villamayor kontra IM Luis Galego sa 30 sulungan ng French Defense. Nauwi rin sa draw ang laban sa pagitan nina Ildefonso Datu at IM Antonio Frois matapos ang 30 moves ng Reti.

Kinailangang isakripisyo ni IM Ronald Bancod ang kanyang rook para sa bishop, ngunit hindi ito sapat para siya makapaglunsad ng atake na ang kanyang pagsasakripisyo ay nauwi lamang sa draw bunga ng mahusay na depensa ni Diogo Fernando.

Sa women’s side, umahon din ang Filipina sa kanilang kabiguan sa fourth round nang kanilang talunin ang Wales sa pamamagitan ng panalo ni Christine Espallardo sa board 3 kontra J. Wilson.

Bago ang panalo ni Espallardo, nauwi muna sa draw ang laban nina Arianne Caoli at Abigail Cast sa board 1, gayundin ang laban nina Beverly Mendoza at Annie Powell sa board 2 matapos ang 66 moves ng Closed Sicilian.

ABIGAIL CAST

ANNIE POWELL

ANTONIO FER

ANTONIO FROIS

ARIANNE CAOLI

BEVERLY MENDOZA

BONG VILLAMAYOR

CHRISTINE ESPALLARDO

CLOSED SICILIAN

DIOGO FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with