^

PSN Palaro

Koponan ng Hapee Toothpaste umaasang aangat sa PBL

-
Umaasa ang Hapee Toothpaste na aangat ang kanilang tsansa sa kanilang pagparada ng bagong coach at ilang karagdagang manlalaro sa koponan sa pagbubukas ng 2000 PBL Challenge ngayong Sabado sa Makati Coliseum.

Pinalitan ni Stevenson Tiu, veteran champion coach ng Fil-Chinese leagues ang dating coach na si Dong Vergeire na nagdesisyong ipokus ang kanyang atensiyon sa NCAA champion College of St. Benilde sa Philippine Youth Basketball League.

Nananatiling intact pa rin ang koponan na binubuo nina JB Sison, Rensy Bajar, Mark Saquilayan, Francis Mercado, Cyrus Baguio, Niño Gelig at Eugene Bantugan, bukod pa ang pagkakadagdag nina UST slotman Alwin Espiritu at Andrew Lapena na siyang magpapalakas sa post ng Cebuano discovery na si Ryan Dy upang maging back-up nina Sison at Bajar sa backcourt.

Ang iba pang bubuo sa koponan ay sina Jaymar Rivera, three-point shooter Tommy Nordell, Bryan Olaguer, Michael Jean Alabanza at ang 6’5 na si Junie Lopez.

"Hindi naman ako nahirapan sa new role ko. Basically, alam ko na ang attitude nila. Wala namang gaanong pagbabago except for a few changes in the system," wika ni Tiu.

Tumapos ang Hapee Toothpaste na dating dala ang pangalang Dazz ng ikaanim na puwesto noong nakaraang conference matapos na patalsikin ng Ana Freezers sa huling semifinals slot.

Ngunit matapos na makuha ang runner-up trophy sa 1st Athletes Haven Cup na ginanap sa Baguio, umaasa si Tiu na mas maganda pang showing ang ipakikita ng kanyang tropa.

"Malaking morale booster yung runner-up finish sa Baguio, especially yung panalo namin sa Shark, It taught them a lesson they could beat even the top team if they just focus their efforts on defense and teamwork," paliwanag ni Tiu.

" Maganda naman ang response. It a matter of challenging the players and I told them it’s about time na magpakita naman sila," dagdag pa niya.

Maging si Lamoiyan Corporation president Cecilio Pedro na optimistiko siya sa tsansa ng kanyang koponan.

"The boys are more confident, and they playing consistently during the ptactices. I believe chances will be better this conference. But I still insist they should not play too much physical games, and uphold God’s way in basketball," sabi naman ni Pedro.

Inaasahan rin ni Tiu na ang kumperensiyang ito ang siyang pinakamahigpit na kompetisyon at ang kanyang koponan ay nahaharap sa isang mabigat na pagsubok.

"Our target is to get into the semifinals. Mas intact ang team na ito kaya mas kabisado nila ang sistema sa PBL. I believe the boys are ready to face the challenge," aniya pa.

ALWIN ESPIRITU

ANA FREEZERS

ANDREW LAPENA

ATHLETES HAVEN CUP

BRYAN OLAGUER

BUT I

CECILIO PEDRO

COLLEGE OF ST. BENILDE

HAPEE TOOTHPASTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with