MBA Conference Finals simula na
October 28, 2000 | 12:00am
Sisimulan ngayon ng apat na koponan ang kani-kanilang kampanya para sa National title ng MBA sa pagsisimula ng Conference Finals sa dalawang magkahiwalay na lugar.
Hindi alintana sa defending National champion ang pag-salanta ng mga injuries upang mapangalagaan ang kanilang iniingatang korona kung saan nakatakda nilang harapin ang San Juan Knights sa Game One ng Northern Finals.
Nakatakda ang paghaharap ng Metrostars at Knights sa dakong alas-2 ng hapon na dadako sa San Juan Gym.
Siguradong nasa mga balikat ng Metrostars ang pressure dahil bukod sa sinalanta ng injuries ang kanilang line-up, malaking bentahe pa rin ang hawak ng Knights dahil sa kanilang balwarte gaganapin ang laro.
Sa kabilang dako naman, inaasahan na magiging mainit ang salpukan sa pagitan ng Negros Slashers at ng Cebu Gems sa isa pang Finals series para sa Southern sa ganap na alas-4:30 ng hapon sa Cebu City Coliseum.
Ang mananalo sa kani-kanilang serye ang siya namang maghaharap para sa best-of-seven National Finals na inaasahang mauulit ang kasaysayan sa pagitan ng Cebu at Manila na silang nagharap noong nakaraang taong Finals.
Tiyak na isasalang ng San Juan ang troika nina Bonel Balingit, RafI Reavis at Omanzi Rodriguez, pero tatapatan ito ni coach Boysie Zamar at kanyang isasabak naman si Romel Adducul at Peter Martin upang masupil ang pananalasa ng tatlong nabanggit.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest