Iligan City National High School kampeon sa Milo Little Olympics

CAGAYAN DE ORO--Panibagong impresibong performance ang ipinamalas ng Iligan City National High School at ng Tangub City Central School nang kanilang kunin ang overall championship sa Milo Little Olympics for Mindanao dito.

Humakot ang atleta ng Iligan City NHS ng 19 gold, 14 silvers at 12 bronze medal upang ibulsa ang secondary title at P40,000 halaga ng sports equipment at ang Milo trophy.

Pumangalawa ang Tangub City NHS (15-10-11), habang sumunod ang La Salle Academy (9-7-3).

Nanguna naman ang Tangub City Central School sa elementary division (12-8-1), habang sumegunda ang Iligan City East School (10-8-11) at ang Napocor Elementary School (9-11-4) ang pumangatlo.

Dumalo sa opening ceremonies ng Milo Little Olympics sina Mindanao organizer Megdonio Llamera kasama sina DECS R-10 Dr. Cresencio Castanos, Milo Sports Executive Jackby Jaime, Nestle Promo Officer Virgilio Yu at Oro-10 President Moises Isma Jr.

Show comments