700 runners lalahok sa Grennhills 5 Miles Classic

Ilalarga na ang kauna-unahang Greenhills 5 Mile Classic na magsisimula sa Greenhills Shopping Complex sa Ortigas Ave., sa San Juan.

Inaasahang aabot sa 700 runners ang magpapartisipa na pangungunahan ng Greenhills Running Club president na si Dr. Jerry Jarin na siyang magpapaputok ng baril eksaktong alas-6:00 ng umaga.

Ang natutang karera ay suportado ng Yakult Phils., PAGCOR, Adidas, Polyprom, Hitachi Power Tools, Hana-bishi, Baliwag Lechon, Hi-Glass Lamination, Gracewood, Milo, Zesto, Every Day Walkers Club, Metro Makati Motor Asso., Rotary Club Mandaluyong West, I Bank at Jollibee na may donasyon mula sa mga club members na sina Ric Bernabe, Lito Imperio, at Catherine Pascual.

Ang entry fees ay mapupunta sa White Cross na isang institution na nangangalaga sa mga may kapansanan at abandonadong kabataan.

Inaasahang dadalo sa karera bukas ang movie personality na si Ronnie Rickets at ang ilang mga kilalang atleta na gaya nina Philippine Navy Rey Antoque, Hazel Madamba, Enate Sayrol, Cheryl Escat at Melinda Manahan.

Nakataya sa karerang ito ang mga medalya para sa top finishers at first finishers sa age group competition. Ang lahat ng finishers ay tatanggap ng isang goodie bag kasama ang Yakult t-shirt at meryenda.

Nagbigay rin ng kanilang suporta ang City of Mandaluyong, Municipality of San Juan, Spectrum Communications, PNRC at Ortigas Co.

Show comments