^

PSN Palaro

Cebu vs Manila sa National Finals rematch ng MBA

-
Sisimulan ng Cebu at Manila ang kanilang unang hakbang tungo sa posibleng National Finals rematch sa pagsisimula ng kani-kanilang kampanya sa MBA Conference semifinals ngayon.

Hangad ng Gems na mapalawig pa ang kanilang 13-game winning streak at ang isang slot sa Southern Conference Finals sa kanilang nakatakdang engkuwentro ng Iloilo Megavoltz sa alas-6:30 ng gabi sa Game One ng kanilang best-of-three series sa Cebu City Coliseum.

Sa kabila ng sinalanta ng injury, optimistiko pa rin ang Manila, ang kasalukuyang National champions na sumibak sa Gems, 4-2 noong nakaraang season’s National title series sa kanilang pakikipaglaban kontra Pasig-Rizal Pirates sa alas-4 ng hapon sa Pasig Sports Center.

Kung sakali mang manaig ang Cebu at Manila sa kanilang mga kalaban, ang dalawa ang siyang uusad sa Southern at Northern Conference Finals na maghahatid sa kanila para sa Conference Finals sa best-of-seven series.

Upang masiguro ng Manila ang kanilang tagumpay, kanilang paglalaruin na si Rommel Adducul na kasalukuyan pang nagpapagaling sa kanyang injury sa bukungbukong at paa.

Isa sa magiging sakit ng ulo ng Manila ay ang tambalang Dorian Peña at Bong Alvarez na silang namuno para sa 6-game winning run ng Pasig.

vuukle comment

BONG ALVAREZ

CEBU

CEBU CITY COLISEUM

CONFERENCE FINALS

DORIAN PE

GAME ONE

ILOILO MEGAVOLTZ

KANILANG

NATIONAL FINALS

NORTHERN CONFERENCE FINALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with