Chess RP team sa Olympiad kompleto na

Inihayag na ng Philippine Chess Federation (PCF) ang kanilang opisyal na delegasyon para sa 34th World Chess Olympiad at sa 71st FIDE Congress na nakatakda sa Oct. 27 hanggang Nov. 12 sa Istanbul, Turkey.

Ito’y sina GM Rogelio Barcenilla na lilipad mula sa San Francisco, CA, USA, IM Richard Bitoon na nakuha ang IM title sa 2000 Asian Zone, IM Enrique Paciencia na nakuha rin ang IM title sa Zonals, IM Petronio Roca, IM Jayson Gonzales at NM Rolly Martinez.

Sina Barcenilla at Gonzales ay kasalukuyang naglalaro sa US chess circuit, habang sumailalim naman sa mahigpit na training sina Bitoon, Martinez, Roca at Paciencia at handang-handa na sila para sa nasabing Olympiad.

Show comments