Rose ng Indiana Pacers nabalian
October 14, 2000 | 12:00am
INDIANAPOLIS, Indiana--Isa pang panibagong manlalaro ang nawala sa National Basketball Association runner-up Indiana Pacers dito noong Martes matapos na mabali ang kaliwang pulso ni Jalen Rose at ito ay posibleng hindi makalaro ng anim na linggo.
Nalasap ni Rose, hinirang noong nakaraang taong NBA Most Improved Players ang kanyang injury sa third quarter ng 91-83 panalo ng Pacers sa exhibition games kontra Minnesota Timber-wolves dito.
Nabali ang kanyang pulso nang si Rose ay bumagsak sa floor makaraang kumana ng isang dunk shot. Ang nasabing injury ay hindi naman gaanong malala at hindi na kinailangan pang gamutin, subalit ito ay kinukunsidera na isang seryoso dahil hindi magagamit ni Rose ang kanyang mga kamay sa pagbuslo.
At sa ilalim ng bagong coach na si Isiah Thomas, ang Pacers sa ngayon ay nahaharap sa isang adjustment period matapos na mawalan ng tatlong starters simula noong nakaraang taon ang koponan kung saan nakarating sila sa NBA Finals at nabigo sa Los Angeles Lakers sa anim na laro.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended