4 rounds lang si Pacquiao - Hussein
October 12, 2000 | 12:00am
" Hes a strong fighter, but is good only for three to four rounds."
Ito ang reaksiyon na ginawa ng walang talong Australian challenger na si Nadel Hussein makaraang makita ang mga galaw ni Manny Pacquiao sa kanilang isinagawang press preview kahapon para sa nakatakda nilang 12-round bout na tinaguriang "Encounter in Antipolo" sa Sabado sa Yñares Sports Center.
Si Pacquiao ay nakipag-sparring sa RP junior lightweight contender na si Allan Visayas, isa sa Pilipinong naging biktima ni Hussein para sa dalawang rounds, habang ipinamalas naman ng Australian challenger ang kanyang tikas kontra sa Korean Jong Kwon Kim sa Elorde Sports Center.
Ang pahayag na ito ni Hussein ay base na rin sa kanyang nakitang mga galaw ni Pacquiao at kanyang sinabi na hanggang ikaapat na round lamang ang itatagal nito sa kanilang laban.
Hes really very strong, but what about his stamina, can he last for eight or 10 rounds?" tanong ni Hussein. " Thats my edge. I can last even if the fight go the distance."
Ang binitiwang salita ng 22-gulang Lebanese-born, na nakabase sa Australia, ay hinggil sa nakaraang tatlong huling laban ni Pacquiao kontra kina Reynante Jamili (2nd round) Arnel Barotillo (4 round) at Korean Seung Kwon Chae (1st round).
Ang naturang blockbuster event na ihahatid ng Elorde International Productions ni Gabriel Bebot Elorde at suportado ng Rizal Governor Casi-miro Yñares Jr., San Miguel, PAGCOR, Elorde Sports Center, Seven Suites Hotel Observatory, Mobil City Trading Inc., Cocoplans Pension and Education Plans, Lending Enterprise at ng Golden Flash Security Agency, Royal Palm Hotel (Manila) ay kauna-unahang gaganapin sa Antipolo City na siyang magiging punong abala sa nasabing championship fight.
Tampok rin sa under-card ang sagupaan sa pagitan nina Manny Melchor na idedepensa ang kanyang WBC international minimumweight crown kontra Zarlit Rodrigo at Randy Mangubat na sasabak sa Koreanong si Jong Kwon Kim para sa bakanteng WBC international flyweight division.
Sa Biyernes, nakatakdang timbangin ang mga fighters sa Games and Amusements board office at ang official meeting on rules and regulations.
Ipapalabas ang naturang laban sa IBC 13 sa slightly delayed basis simula sa alas-10 ng gabi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended