Korona sa MBA Intra-Con target ng Cebu Gems
October 11, 2000 | 12:00am
Ikalawang sunod na panalo ang tangkang ibulsa ngayon ng Cebu Gems kontra sa Manila Metrostars upang tuluyan nang isara ang kanilang best-of-three series sa Intra-Con Finals ng MBA ngayon.
Hawak ang 1-0 bentahe sa kanilang serye, muling maghaharap ang Gems at Metrostars sa dakong alas-6 ng gabi sa Mail & More San Andres Sports Complex.
Siguradong nasa panig ng Gems ang mataas na morale, bagamat ang laro ay gaganapin sa homecourt ng Manila, kumpiyansa pa rin ang Cebu na makukuha na nila ang titulo at palawigin ang kanilang winning streak sa 14.
Itoy sa dahilang hindi pa rin makapaglalaro ang alas ng Manila na si Rommel Adducul na na-injured ang kanang bukong-bukong sa Game One na pinagwagian naman ng Cebu, 93-88.
Matatandaan na hindi na nakalaro si Adducul sa second half ng Game One na kumana lamang ng tatlong puntos matapos na bumagsak ang kanyang paa sa paa naman ni Jan Montalbo na siyang dahi-lan upang ma-injured ang kanyang bukong-bukong.
Kailangang humataw ng husto ng 1999 MVP Alex Compton at Gilbert Demape na siyang pupuno sa bakanteng puwesto ni Adducul kung nais pa nilang manatiling buhay ang kanilang tsansa sa susunod na round.
Matapos ang Intra-Con Finals, agad na isusulong ang aksiyon para sa eight-team National Playoffs kung saan apat na top squad mula sa Southern at Northern Conferences ang siyang magtatangkang makapasok para sa National Finals.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am