Pinoy drivers lalahok sa Formula Asia Series

Kapwa umaasa sina champion driver Richard Joson at kahihirang pa lamang na Karter of the Year Philip Alvendia na magiging maganda ang kanilang ipapakita sa Formula One racing scene sa kanilang paglahok sa 11th at 12th rounds ng prestihiyosong Formula Asia Series sa Zhuhai International Circuit sa China sa Oct. 8.

Dala nina Joson at Alvendia ang bandila ng bansa ay lumipad noong Lunes upang masubukan at makaagapay nila ang kani-kanilang Formula 2000 cars na service ng British Team Ghiasport.

Sila ay mapapasabak sa 20-24 mahuhusay na international formula drivers.

Show comments