^

PSN Palaro

Manila vs Cebu sa finals ng Intra-Conference Challenge

-
Sisimulan ngayon ng Manila at Cebu ang kanilang kampanya para sa National Finals sa magkahiwalay na laban sa pagsisimula ng Intra-Conference Challenge sa magkahiwalay na lugar.

Bunga ang kanilang pangunguna sa North at South, tig-isang panalo na lamang ang kailangan ng defending champion Metrostars at Cebu Gems kontra sa Davao at Pasig-Rizal para itakda ang kanilang championship finals.

Ngunit tiyak na mayroong ibang plano ang Eagles at Pirates para dugtungan ang kanilang pag-asa at supilin ang inaasam ng Gems at Metrostars titular showdown nilang dalawa.

Ngunit para sa Manila at Gems, nasa panig nila ang malaking bentahe bunga ang kani-kanilang homecourt advantage.

Unang sasabak sa aksiyon ang Manila at ang Davao sa unang sultada sa ganap na alas-4 ng hapon sa Mail & More San Andres Sports Complex, habang isusunod ang engkuwentro ng Pasig-Rizal at Cebu sa dakong alas-6:30 ng gabi na dadako naman sa Cebu City Coliseum.

Bahagyang paborito ang Cebu bunga ng kani-lang 10th game-winning streak, subalit hindi sila dapat magpakasiguro dahil simula ng dumating sa line-up ng Pirates sina Dorian Peña at Bong Alvarez sa kalagitnaan ng season, nagsimulang gu-manda ang opensa ng Rizal.

Sasandigan naman ng Manila ang tambalang Rommel Adducul-Alex Compton na siguradong walang katapat sa panig ng Eagles.

BONG ALVAREZ

CEBU

CEBU CITY COLISEUM

CEBU GEMS

DAVAO

DORIAN PE

INTRA-CONFERENCE CHALLENGE

METROSTARS

MORE SAN ANDRES SPORTS COMPLEX

NATIONAL FINALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with