^

Metro

6 Pinoy na biktima ng illegal recruitment hinarang sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang anim na Pilipino sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dahil sa hinihinalang ilegal na recruitment scheme na nag-aalok ng trabaho sa Armenia.

Patungo sana sa Hong Kong ang anim na pasahero, na umano’y gagamitin lamang na pansamantalang destinasyon upang makaiwas sa masusing inspeksyon ng mga immigration officer. Apat sa kanila ang sumailalim sa ikalawang inspeksyon habang dalawa naman ang naharang sa kani-kanilang boarding gate.

Sa imbestigasyon, lumitaw na inalok sila ng trabaho bilang mga tagalinis at janitor sa mga hotel sa Armenia, na may sahod na P40,000 hanggang P50,000 kada buwan. Nagbayad umano sila ng P27,000 hanggang P160,000 para sa biyahe, pagproseso ng visa, at iba pang gastusin.

Inutusan din umano ang mga pasahero na itago ang tunay nilang destinasyon at sabihing magbabakasyon lamang sila nang tatlong araw sa Hong Kong. Doon pa umano ibibigay ang kanilang Armenian visa at tiket, habang ang ilan ay binigyan ng mga pekeng dokumento sa trabaho.

Dinala ang anim sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon at kaukulang tulong. Muling nagbabala ang mga awtoridad sa publiko na mag-ingat sa mga kahina-hinalang alok na trabaho sa ibang bansa upang makaiwas sa ile­gal na recruitment at human trafficking.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with