^

Police Metro

Subsidiya sa tuition fee ng JHS, tinaasan ng DepEd

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magandang balita dahil makakatanggap na ng mas mataas na subsidiya para sa tuition fee ang mga pamilyang may mga batang anak na nag-aaral sa private junior high schools sa bansa.

Ito’y matapos na ma-secure ng Department of Education (DepEd) ang increase sa Educational Service Contracting (ESC) grant rates para sa kanila.

Ayon sa DepEd, ito na ang kauna-unahang increase para sa natu­rang subsidiya simula pa noong 2017.

Ipinaliwanag ng ahensiya na ang adjustment ay opisyal na inaprubahan ng mga miyembro ng State Assistance Council, na binubuo ng DepEd, Commission on Higher Education (CHED), Department of Budget and Management (DBM), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Department of Science and Technology (DOST), sa pamamagitan ng isang ad referendum. 

Sisimulan sa School Year 2027-2028, ang aprubadong rate adjustment ay aplikable sa mga incoming Grade 7 ESC grantees. 

Nabatid na sa ilalim ng bagong istruktura, ang annual ESC grants sa National Capital Region (NCR) ay itataas na sa P17,500 mula sa kasalukuyang P13,000. 

Ang grantees naman sa highly urbanized cities (HUCs) na nasa labas ng Metro Manila ay makatatanggap na ng P14,500 mula sa kasalukuyang P11,000 at sa iba pang mga rehiyon ay makakuha ng P12,000, mula sa dating P9,000 lamang.

Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na ang naturang adjustment ay nagkakaloob ng timely financial relief para sa mga tahanang nahihirapan dahil sa tumataas na gastusin sa mga paaralan.

SUBSIDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with