NCR’S top performing, most trusted mayors, reps. inilabas ng RPMD
MANILA, Philippines — Pitong alkalde ang nagtabla sa unang puwesto bilang top-performing at most trusted local chief executives sa National Capital Region (NCR), ayon sa pinakahuling “Boses ng Bayan” survey ng RPMD Foundation Inc.
Nanguna sina Quezon City Mayor Joy Belmonte (90.62%), Malabon Mayor Jeannie Sandoval (89.76%), Pasig Mayor Vico Sotto (89.65%), Navotas Mayor John Rey Tiangco (89.44%), Caloocan Mayor Along Malapitan (89.21%), Valenzuela Mayor Wes Gatchalian (89.09%) at Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano (89.01%).
Pumangalawa sina Manila Mayor Isko Moreno, Makati Mayor Nancy Binay, Parañaque Mayor Edwin Olivarez, Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, at Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon.
Sa hanay ng mga kongresista, magkakasamang nanguna sina Toby Tiangco ng Navotas, Miro Quimbo ng Marikina, Brian Yamsuan ng Parañaque, PM Vargas at Ralph Tulfo ng Quezon City, Oscar Malapitan ng Caloocan, at Marivic Co-Pilar ng Quezon City.
Ayon kay RPMD Executive Director Dr. Paul Martinez, positibo ang resulta ng survey dahil lahat ng NCR mayors at representatives ay lumampas sa 55% passing benchmark.
“Ipinapakita nitong generally satisfied ang kanilang constituents sa leadership at performance, at kinikilala ang kanilang serbisyo,” ani Martinez.
Isinagawa ang independent at non-commissioned survey mula Nobyembre 2 hanggang 7 sa 5,000 respondent mula sa iba’t ibang socioeconomic classes, may 95% confidence level at ±1.6% margin of error.
- Latest

















