^

Probinsiya

6 katao todas sa kidlat sa Negros Occidental

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
6 katao todas sa kidlat sa Negros Occidental
Sa report na tinanggap ng Office of Civil Defense (OCD) Negros Island Region, kabilang sa mga nasawi ay isang 18-anyos na lalaki ng Cauyan City na tinamaan ng kidlat noong Biyernes.
STAR / File

MANILA, Philippines — Anim katao ang nasawi matapos tamaan ng kidlat sa gitna ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa magkahiwalay na insidente sa Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Sa report na tinanggap ng Office of Civil Defense (OCD) Negros Island Region, kabilang sa mga nasawi ay isang 18-anyos na lalaki ng Cauyan City na tinamaan ng kidlat noong Biyernes.

Nitong Sabado ay tinamaan din ng kidlat ang limang magsasaka sa Brgy. DSB, Pontevedra ng lalawigan.

Ang limang magsasaka ay kasalukuyang nag-aani ng palay nang pansamantala silang sumilong sa isang kubo dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Gayunman, biglang kumidlat ng malakas at nasapol nito ang kubong sinisilungan ng mga magsasaka na kanilang ikinahandusay.

Mabilis namang sinaklolohan ng mga kasamahan ang mga biktima na agad isinugod sa pagamutan. Gayunman, tatlo sa mga magsasaka ang idineklarang dead-on-arrival habang ang isa pa nilang kasamahan ay binawian ng buhay noong Lunes, Nobyembre 2.

Samantala, patay rin ang isang 51-anyos na magsasaka nang tamaan ng kidlat sa Brgy. Santol, Binalbagan noong Oktubre 31 habang sugatan ang isang 14-anyos na babae. Ang dalawa ay nasa loob ng bakuran ng kanilang tahanan nang mangyari ang pagtama ng kidlat.

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with