TRO hiling muli ni Bato sa gitna ng P50 milyong pabuya

MANILA, Philippines — Muling humirit ng temporary restraining order (TRO) sa Korte Suprema ang kampo ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa laban sa posibleng pagpapatupad ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).
Sa 15-pahinang manifestation na inihain sa Korte Suprema, iginiit ng kampo ni Dela Rosa na dapat nang resolbahin ang kanilang nakabinbing motion for reconsideration kaugnay ng naunang pagbasura sa kanilang kahilingan para sa interim relief noong Mayo.
Ayon sa manifestation, lumala umano ang banta ng pag-aresto sa senador, kabilang ang umano’y alok na P50 milyong pabuya para sa kanyang pagkakadakip.
“The motion for reconsideration remains unresolved. In the meantime, the enforcement posture it documented has not abated. It has escalated,” ayon sa dokumento.
Iginiit din ng kampo ni Dela Rosa na tinawag umano siya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na “armed and dangerous” at may nabuo nang task force para sa kanyang pag-aresto.
- Latest
















