Piso, sumadsad sa panibagong record low na P64 kada dolyar
MANILA, Philippines — Bumulusok sa panibagong record low na P64 kontra dolyar ang piso sa intraday trading nitong Martes, Oktubre 27, 2026.
Batay sa datos mula sa website ng Bankers Association of the Philippines, nagbukas ang lokal na salapi sa P63.95 bago tuluyang pumalo sa antas na P64 laban sa US dollar bandang alas-11:05 ng umaga.
Noong Lunes ang ikalimang magkakasunod na trading day na bumagsak ang piso, at ito na rin ang ika-32 pagkakataon ngayong taon na nagsara ang piso sa panibagong record low.
Gayunman, hindi nakikita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa ngayon ang pangangailangang ipagtanggol ang piso.
Ang paghina ng piso ay nagdaragdag sa mga pressure na nakaaapekto sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin, nakaiimpluwensiya sa inflation, at maaaring magpataas sa halaga sa piso ng pagbabayad sa mga obligasyong denominated sa foreign currency, kabilang ang utang sa mga external creditor.
- Latest
















